Sunday, October 18, 2015

Napapanahong Isyu: Korapsyon

KORAPSYON. Matagal ng Isyu ng ating bansa, ngunit bakit hanggang ngayon ay hindi patin ito malutas? Bakit patuloy lumalaganap at dumadami ang mga korap? Ano nga ba ang korapsyon?

Ang Korapsyon ay isang sistema ng pagnanakaw o pagbubulsa ng pera ng bayan. Ito rin ang nagdudulot ng kahirapan sa mamamayan. Hindi lang pilipinas ang nakakaranas ng ganitong klaseng problema gayun din ang iba’t ibang bansa. Sa pilipinas ang mga korap ay matatalino at makakapal ang mukha. Kaya hindi umuunlad an gang ating bansa dahil sa mga korap na pulitiko, binoto sila ng taong bayan dahil akala nila makakatulong sila sa pagpapaunlad n gating bansa. Si Janet Lim Napoles ay kilala ntin bilang Pork Barell Queen, gayun naman ay may dinadawit siya katulad nina Bong Revilla, Juan Ponce Enrile, at Jinggoy Estrada na diumano ay nakipagsabwatan sa kanya upang makakuha ng pera galing sa taong bayan. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit hanggang sa ngayon ay naghihirap ang mga Pilipino. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit hanggang sa ngayon ay naghihirap ang mga Pilipino. Ito rin ang dahilan kung bakit: Karamihan sa mga ospital sa bansa ay kulang ng nars, doktor, gamot at makabagong kagamitan; Mababa ang kalidad ng edukasyon sa mga pampublikong paaralan dahil sa kakulangan ng guro, aklat, silid at pasilidad; Kakaunti ang pumapasok na negosyo sa bansa na nagiging dahilan ng kakulangan sa trabaho at pangingibang bansa ng ating mga kababayan. Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa epekto ng korapsyon.

Lahat ba ng tao ay naiintindihan ang salitang ito? Oo, lahat ng Pilipino, sa katunayan galit sila sa gobyerno pero ang hindi ni alam, hindi lang sa pamahalaan makikita ang asal na ito dahil kahit sa sariling tahanan nila ay meron nito.

Paano natin ito masosolusyunan? Patalsikin ang mga korap na politiko sa mga kanilang pwesto, ipakulong pagbayadin sa mga kasalanan na nagawa nila sa ating bansa. Dapat tayong makialam sa mga isyu na katulad nito dahil pagnanakaw na ang ginagawa nila at ang pera yun ay ang pinaghihirapan na ng bawat Pilipino.

Wag na nating hayaan na lumala pa ang talamak na pagnanakaw sa ating kinabukasan, kilos kabataan, kilos bayan.

Panuorin natin ang isang documentary film patungkol sa Korapsyon sa mamamayan:

No comments:

Post a Comment