KORAPSYON. Matagal ng Isyu ng ating bansa, ngunit bakit hanggang ngayon ay hindi patin ito malutas? Bakit patuloy lumalaganap at dumadami ang mga korap? Ano nga ba ang korapsyon?
Ang
Korapsyon ay isang sistema ng pagnanakaw o pagbubulsa ng pera ng bayan. Ito rin
ang nagdudulot ng kahirapan sa mamamayan. Hindi lang pilipinas ang nakakaranas
ng ganitong klaseng problema gayun din ang iba’t ibang bansa. Sa pilipinas ang
mga korap ay matatalino at makakapal ang mukha. Kaya hindi umuunlad an gang ating
bansa dahil sa mga korap na pulitiko, binoto sila ng taong bayan dahil akala
nila makakatulong sila sa pagpapaunlad n gating bansa. Si Janet Lim Napoles ay
kilala ntin bilang Pork Barell Queen, gayun naman ay may dinadawit siya katulad
nina Bong Revilla, Juan Ponce Enrile, at Jinggoy Estrada na diumano ay nakipagsabwatan sa kanya upang
makakuha ng pera galing sa taong bayan. Ito ang pangunahing dahilan kung
bakit hanggang sa ngayon ay naghihirap ang mga Pilipino. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit hanggang sa ngayon ay naghihirap
ang mga Pilipino. Ito rin ang dahilan kung bakit: Karamihan sa mga ospital sa
bansa ay kulang ng nars, doktor, gamot at makabagong kagamitan; Mababa ang
kalidad ng edukasyon sa mga pampublikong paaralan dahil sa kakulangan ng guro,
aklat, silid at pasilidad; Kakaunti ang pumapasok na negosyo sa bansa na
nagiging dahilan ng kakulangan sa trabaho at pangingibang bansa ng ating mga
kababayan. Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa epekto ng korapsyon.
Lahat
ba ng tao ay naiintindihan ang salitang ito? Oo, lahat ng Pilipino, sa
katunayan galit sila sa gobyerno pero ang hindi ni alam, hindi lang sa
pamahalaan makikita ang asal na ito dahil kahit sa sariling tahanan nila ay
meron nito.
Paano
natin ito masosolusyunan? Patalsikin ang mga korap na politiko sa mga kanilang
pwesto, ipakulong pagbayadin sa mga kasalanan na nagawa nila sa ating bansa.
Dapat tayong makialam sa mga isyu na katulad nito dahil pagnanakaw na ang
ginagawa nila at ang pera yun ay ang pinaghihirapan na ng bawat Pilipino.
Wag
na nating hayaan na lumala pa ang talamak na pagnanakaw sa ating kinabukasan,
kilos kabataan, kilos bayan.
Panuorin natin ang isang documentary film patungkol sa Korapsyon sa mamamayan: